ANG PRINSIPYO NG BIYAYA!
(The Grace Principle)
BIYAYA! Ito’y isang salitang karaniwan na sa atin. Ang mga relihiyoso o mga taongmaka-Dios sa buong mundo ay nag-aangkin na sila ay naligtas sa pamamagitan ng biyayaat ipinapahayag ang kanilang walang kamatayang pagmamahal sa Dios ng lahat ng biyaya,atbp. Subalit ang nakakabagabag na bagay ay marami sa nag-aangkin na naniniwala sakaligtasan sa pamamagitan ng biyaya ay ipinipilit pa rin na may dapat silang gawin upangmakatulong sa kanilang pagiging ligtas o sa kanilang pananatiling ligtas. Nagkukulang sila sapang-unawa sa tunay na kahulugan ng biyaya at lantarang naturuan ng mali sa kung anoang tiyak na kahulugan ng biyaya at kung ano ang pagiging ligtas sa pamamagitan ngbiyaya. Marami ang maaaring masabi tungkol sa mahalagang usaping ito, subalit sa maiklinglathalaing ito ay nais kong bigyang-diin ang kahalagahan, ang kaibuturang kahulugan, ngbiyaya ng Dios at kung ano ang ibig sabihin ng pagiging ligtas sa pamamagitan ng biyaya.Mabisa at maikli nang nasabi na ang biyaya ay di-marapat na kagandahang-loob. Angbiyaya ay kagandahang-loob ng Dios sa isang lubos na hindi karapat-dapat na tao. Walangsinoman ang karapat-dapat sa biyaya, sapagkat kung gayon ito ay hindi na magiging biyayakundi gantimpala (tingnan ang Rom. 11:6). Kaya upang makatanggap ng biyaya, dapat aymay ginawa ang isang tao. Kahit ang pahapyaw na pagbasa sa mga Sulat sa Bagong Tipanay maghahayag na ang biyaya at mga gawa ay magpapawalang-bisa sa isa’t-isa. Kung itoay matatamo sa pamamagitan ng mga gawa, hindi na kailangan ang biyaya at kung angtanging paraan upang matamo ay sa pamamagitan ng biyaya, ay walang halaga ng mgagawa ang maaaring makapagpatamo ng maipagkakaloob lamang ng biyaya. Ang biyaya aymalinaw na hindi gantimpala mula sa Dios sa kung ano pa man tayo, ano ang nagawa natin,o gagawin pa lamang. Ang biyaya ay ipinagkaloob SA KABILA NG KUNG ANO TAYO, ANOANG NAGAWA NATIN, O GAGAWIN PA LAMANG!! Ang biyaya ay isang bagay naginagawa ng Dios, isang bagay na ibinibigay sa isang tao mula sa Kanyang sarilingmalayang pagpapasiya, mula sa Kanyang masaganang kahabagan, at ang layunin nito ayupang iligtas ang taong yaon mula sa kung ano ang nararapat sa kanya-IMPIYERNO.
Ang biyaya ay hindi nangangailangan ng tulong mula sa atin upang matupad anglayunin nito. Ang biyaya ay ganap na may kaibahan, at ganap na salungat sa anomanggawa natin. Ang biyaya ay gawa ng Dios at hindi ng tao. Walang anomang gawa ng tao angmaaring makadagdag ng anoman sa biyaya. Walang gawa ng tao ang kinakailangan sakaligtasan ng tao. Ang pinakamagaling na nagawa ng isang taong ligtas na ay hindinagkapag-ambag ng kahit na katiting man lang sa kanyang pagkakaligtas o pananatilingligtas. Ang tao ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya at ito ay kapwamga kaloob mula sa Dios. Walang anomang pagsisikap mula sa atin ang makapagliligtas saatin o kinakailangan upang mapanatili ang ating kaligtasan. Ang biyaya ng Dios ang gumawanang lahat ng ito mula A hanggang Z. Ang biyaya ay ang PAGGAWA NG DIOS. Kungsinoman ang naniniwala na may tungkulin silang gawin ang ilang mga kautusan upangmaligtas o dapat magpanatili ng isang tiyak na taas ng pagkamasunurin upang ‘manatilingligtas’, sila ay, malayo sa pagiging mananampalataya sa biyaya, ay mas ligaw pa sanaliligaw sapagkat sila ay nagtitiwala sa mga gawa ng tao upang matiyak ang kalagayangligtas, ang katanggap-tanggap ng kalagayan sa harap ng Dios. Sila ay mga makalamangnilikha na hindi nagtitiwala ng tangi- at samakatuwid ay talagang hindi- sa biyaya ng Dios.Kaya’t kung sinoman ang lumapit sa iyo at nag-aangking ligtas sa pamamagitan ng biyayasubalit nagsasabing sa pamamagitan ng kanilang pagkamasunurin ay napapanatili nila angkanilang ‘ligtas’ na kalagayan, may tiwala mong masasabi sa kanila na sila ay nabigyan ngmaling ebanghelyo at hindi ng tanging Ebanghelyo na ipinangliligtas ng Dios, angEbanghelyo ng biyaya. Gayundin naman, sinoman na nag-aangkin na naligtas samantalangnaniniwala sa gayong ebanghelyo ay hindi ligtas, sapagkat sila ay naniwala sa ibangebanghelyo, isang ebanghelyo na hindi ibinibigay ang LAHAT ng kaligtasan sa gawa ngDios. Ang Ebanghelyo ng Dios ay hindi kailanman nangungusap tungkol sa kung ano angdapat gawin ng tao upang maligtas o manatiling ligtas. Hindi ito nagsasabi ng tungkol samga gawa ng tao, kundi binibigyang-diin lamang ang gawa ng Dios (biyaya) sa kaligtasan ngKanyang bayan at inilalagay ang lahat na kinakailangan ng Dios na gawin upang iligtas angKanyang bayan mula sa kanilang kasalanan sa ilalim ng payak na pamagat- BIYAYA! Angbiyaya ay tungkol sa biyayang yaon. Ito ay puno ng tinatawag ng Biblia na mga aral ngbiyaya, sa madaling salita, mga katuruan ng kung ano ang ginawa ng Dios upang iligtas angKanyang bayan mula sa kanilang kasalanan. Iniligtas ng Dios ang Kanyang bayan sapamamagitan ng Kanyang ginawa at pinananatili Niya silang ligtas sa pamamagitan ngKanyang ginawa. Ang kaligtasan ay hindi sa pamamagitan ng gawa ng tao, kundi sa gawalamang ng Dios at ang gawang yaon ay ayon lahat sa prinsipyo ng biyaya. Sa Dios angkaluwalhatian sa KANYANG mga dakilang ginawa.