Isang Hakbang Patungo sa Walang Hanggan
(One Step Beyond)
Paghandaan mo ang iyong kinabukasan! (Prepare for your future!), Pagplanuhan mo ang iyong pareretiro ngayon pa lang! (Plan your retirement now!), Pensiyon para sa retiro (Superannuation!). Mga pananalitang pamilyar sa ating pandinig. Ang mga institusyong pananalapi ay hinihikayat tayong pagplanuhan ang ating pagreretiro, impukin ang ating pera at mamuhunan para sa ating kinabukasan, kumuha ng mga planong pananalapi para sa pagreretiro na malaki ang ipinapangako ngunit kaunti naman ang naibibigay. Sa pagbibigay ng malaking importansiya sa ating kinabukasan at sa pagbibigay ng malaking halaga hinggil sa kaginhawaan sa ating pagreretiro ay tila ba nalimutan naman ng mga tao ang isang bagay na pinakamahalaga. Isang bagay na hindi niya pinapansin ni hindi iniisip: ang WALANG HANGGAN! (ETERNITY!). Isang kawalang-ingat kaninuman na kung pag-uusapan ang kinabukasan ay tutukuyin lamang ang buhay dito sa lupa at hindi bibigyan pansin ang ating kinabukasan sa walang hanggan.
Kahit na isang hakbang patungo sa walang hanggan ay wari’y hindi pinaghahandaan ng karamihan, sapagkat sila’y lubhang abala sa kanilang pamumuhay dito sa lupa pati na ang lahat ng iniisip at pinagkakaabalahan ay patungkol dito. Bawat isa ay abala sa paghahanap ng pera: nais nilang magkaroon nito ngayon at magkaroon pa ng maraming-marami sa hinaharap. Wala namang masama sa paghahangad ng pera. Kinakailangan natin ang pera, sapagkat kung wala nito ay hindi tayo makakain o makakainom o makakabili ng mga bagay na kailangan natin. At tama rin at mabuting bagay na pagplanuhan ang ating kinabukasan, impukin ang ating pinaghirapang pera, mamuhunan sa tamang mga plano para sa pensiyon sa pagreretiro, subalit ang ating buhay ay hindi natatapos dito lamang sa lupa. May hinaharap na kinabukasan ang bawat isa pagkatapos ng buhay sa lupa at ang tamang panahon para paghandaan ang hinaharap ay ngayon na!
Oo, mayroong Diyos. Ang Diyos ay totoo at mayroong langit at impiyerno. Hindi natin nakikita ang Diyos at ni hindi rin natin nakikita ang langit o impiyerno. At para sa karamihan sapat na ito upang maniwala sila na walang Diyos at walang impiyerno sa ilalim (‘no hell below us’) at sa itaas natin ay langit lamang (‘above us only sky’), gaya ng sinabi ng isang awitin. Ang buhay sa kanila ay isang maigsing paikot-ikot na paglalakbay lamang dito sa daigdig at pagkatapos ay wala na. Milyun-milyon ang may ganitong kaisipan at pamumuhay ay huli ng matuklasan na mayroon palang mas mahalaga kaysa sa pagkamal ng maraming pera, pagpapahalaga sa mga bagay na materyal, mga materyal na bagay na pinagkaabalahan. Subalit paano nga ang isang tao ay mapapaniwala niya ang iba na may Diyos; na may langit at impiyerno sa walang hanggan, na ang mga ito’y walang katapusan at ang lahat ng nasa langit ay nasa walang hanggang kapayapaan at ang mga nasa impiyerno naman ay nasa walang hanggang pagdurusa at paghihirap?
Ang magagawa lamang ng may akda ng babasahing ito ay sabihin sa inyo na totoong may Diyos, na ang langit at impiyerno ay totoong-totoo at totoong-totoong mga tao ang mga napupunta doon. Bakit ako lubos na kumbinsido? Anong katiyakan ko na talagang may Diyos? Ang Kanyang Banal na Salita ang nagsabi sa akin nito. Ang Biblia ay Salita ng Diyos. Ito’y hindi pinagsama-samang kasulatan ng mga ibat-ibang tao kundi Salita o kapahayagan ng Diyos na ibinigay sa mga tao na ginawang tapat upang maisulat nila ang bawat Salita na nais ng Diyos na maitala. Ang Biblia ay naglalaman ng mga kamangha-manghang propesiya na isinulat nang libo-libong taon na ang nakakaraan ngunit natupad sa bawat detalye. Ang mga nag-aangking ‘banal’ daw na mga aklat ay may mga propesiya daw ngunit marami sa propesiya ay hindi naman natupad sa oras na hinulaang matutupad at iba naman ay hindi ganap na natupad. Kahit na sinong tao sa mundo ay kayang manghula ng walang katiyakan, ngunit, BAWAT ISANG propesiya ng Diyos ay natupad sa BAWAT DETALYE sa TAKDANG KAPANAHUNAN!
Nababanggit sa Biblia ang ibang mga siyudad na minsang hindi kilala ng sanlibutan kaya nga ang mga siyentipiko at mga iskolar pati na mga ‘archeologists’ ay itinuring na mali ang Biblia at pagtatawanan pa kapag binanggit ang mga lugar na wala silang nakitang ebidensiya na mayroon talagang ganong lugar, kaya nga mangangatuwiran sila na walang Diyos. Subalit makalipas ang ilang daan taon ay natutunan ng sanlibutan ang isang masakit na katotohanan. Natagpuan ng mga archeologists ang mga sinaunang kagamitan at mga lumang gusaling gumuho ng mga siyudad na nabanggit sa Biblia, at sila mismo ay umamin na sila ang nagkamali at ang Biblia ay walang kamali-mali, at tiyak na tiyak na tama sa mga siyudad na ito. Walang propesiya sa Biblia ang mali kahit sa kaliit-liitang detalye, na nagpapatunay na ang propesiya sa Biblia ay mula sa Diyos at hindi sa mga tao. Walang sinumang tao ang makapanghuhula ng mangyayari sa hinaharap at ang bawat detalye ay matutupad. Hindi kayang hulaan ng tao ang mangyayari bukas lalo na ang mangyayari sa libu-libong taon mula ngayon.
Marami ng tao ang nagtangkang patunayan na ang Biblia ay mali, ngunit matapos ang matiyaga at maingat na pag-aaral ay kanilang natuklasan na sila ang mali at hindi ang Banal na Kasulatan. Ang pagkabuhay muli mula sa kamatayan ng Panginoong Jesu-Cristo ang isa sa pinakamapapatunayang katotohanan sa kasaysayan. Likas sa tao ang mariing tanggihan ang katotohanang ito, laban sa sinabi ng Kasulatan, at likas na bulag sa katotohanang ito. Sinasabi ng Biblia na ayaw ng tao na makilala ang tunay na Diyos, hindi kailanman siya humahanap at nakakaunawa sa tunay na Diyos (Roma 3:11), kaya nga ito ang dahilan kung bakit ang karamihan ay hindi naniniwala sa Diyos lalo na sa tunay at nag-iisang Diyos. Sinabi ng Banal na Kasulatan na, “Sa kapalaluan ng kanyang mukha, ang masama ay hindi naghahanap sa Kanya; lahat niyang iniisip ay “Walang Diyos.” (Awit 10:4)
Sinasabi ng Biblia na kung wala ang Diyos ang tao’y walang pag-asa (Efeso 2:12). Lahat o ilan man, sa mga planong kaginhawaan ng mga tao sa buhay na ito ay maaaring matupad. Ang kanyang mga plano at hangarin sa kanyang kinabukasan na mahabang buhay ay maaaring matupad, ngunit ano ang gagawin niya sa katapusan ng mga ito? Ang isang mayaman nabanggit sa Lucas kapitulo 12 ay masayang masaya sa bunga ng kanyang pinagpaguran at ang kanyang kamalig ay halos nag-uumapaw sa kanyang ani kaya napagpasiyahan niya na gumawa pa ng mas malaking kamalig na magkakasya ang lahat ng kanyang ari-arian. Ilang tao ang naghahangad na magkaroon ng gayung kayaman tulad ng sa taong ito? Ilan sa atin ngayon ang naiinggit sa mga taong nagtatamasa ng materyal na kayamanan, sa mga may ‘financial security’ ngunit wala namang ‘eternal security’ kay Cristo? Ang mayamang nabanggit ay hindi inisip ang Diyos kundi sinabi niya sa kanyang sarili: “‘Kaluluwa’ marami ka nang pag-aaring nakaimbak para sa maraming taon; magpahinga ka, kumain ka, uminom ka, magsaya ka. Subalit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal, sa gabing ito ay kukunin ang iyong kaluluwa; at kanino kaya mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’”(Lucas 12:19-21). Lahat ng iyong nakikita at nahihipo ay mawawala balang araw. Katulad natin, lahat ng ating nakikita at nahihipo ay hindi magtatagal magpakailanman. Lahat ng mga ito ay unti-unting kukupas. Ngunit hindi tulad ng mga materyal na bagay na ito, tayo na masyadong nakayakap sa buhay na ito ay magpapatuloy kahit na matapos tayong mamatay at kung saan man tayo mapunta ay doon na tayo magpakailanman. Ito ang isang bagay na NAPAKAHALAGA, ang magwalang-bahala sa kahalagahan ng katotohanang ito ay hindi nagmamahal sa kanyang sariling kaluluwa. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mag-ingat kayo at magbantay sa lahat ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa kasaganaan ng kanyang mga ari-arian” (Lucas 12:15). Sa madaling salita, kung ano ang mayroon ka at iyong pinagkakaabalahang materyal na mga bagay ay hindi ang mga iyan ang kahulugan ng buhay. Nagsalita ng patanong ang Panginoong Jesus, “Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao, kung makamtan niya ang buong sanlibutan ngunit mawawala naman ang kanyang buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas ng kanyang buhay?”(Mateo 16:26). Ano ang masasabi ng isang taong hindi man lamang nagplano para sa buhay sa walang hanggan, ni hindi naging seryoso na isipin na maaari siya ang mali, na talagang mayroong Diyos na hahatol sa kasalanan, ano ang kanyang sasabihin sa Diyos sa pagharap niya sa Kanya? Wala! Kapag ang buhay dito sa lupa ay natapos na, kapag ang isang tao ay tumahak na ng isang hakbang patungo sa walang hanggan, nagsimula na ang eternal na paglalakbay sa alinman sa dalawang daan. Hindi na niya mapapalitan ang kanyang landas kundi sa langit o kaya’y sa impiyerno siya magpakailanman. Kapag tinahak mo na ang isang hakbang patungo sa walang hanggan, hindi ka na maglalakbay pa sa ibang daan maliban sa daang tinahak ng unang hakbang mo. Ang impiyerno ay ang lugar para sa mga hindi sumasampalataya—para sa mga sumasampalataya sa mga bulaang diyos ng mga bulaang ebanghelyo at para rin sa mga naniniwalang walang Diyos. Doon sa mga walang puwang ang Diyos sa kanilang kaisipan ay sa kanila ang walang hanggang parusa at lagablab ng apoy upang kanilang mapagtanto na sa lahat ng mga tao sila na ang pinakahangal: “Sinasabi ng hangal sa kanyang puso, ‘Walang Diyos.’ Sila’y masasama, sila’y gumagawa ng kasuklam-suklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti” (Awit 14:1).
“Makikita ng matuwid (sila na sumasampalataya sa Ebanghelyo ng Diyos) at matatakot, at pagtatawanan siya na nagsasabi, ‘Pagmasdan ninyo ang taong hindi niya ginawang kanlungan ang Diyos; kundi nagtiwala sa kasaganaan ng kanyang kayamanan, at nagpakalakas sa kanyang nasa’” (Awit 52:6, 7). Ang impiyerno ay lugar kung saan ang katotohanan ay huli ng natutuklasan!
ANG MATAGUMPAY NA PAGPAPLANO SA IYONG WALANG HANGGANG KINABUKASAN AY ANG PAGSAMPALATAYA SA EBANGHELYO NI JESU-CRISTO!
Para sa mga hindi sumasampalataya sa Diyos, o sa mga hindi tiyak na sila’y sumasampalataya sa tunay na Diyos, ngunit sila’y nahamon ng sulating ito upang magsaliksik pa, inaanyayahan silang basahin ang isa pang sulatin na may pamagat na “Mabuting Balita ng Diyos” (God’s Good News) para sa panimulang kaalaman hinggil sa Ebanghelyo ng Diyos, ang mabuting balita na ipinagkaloob Niya sa sangkatauhan na kung sinuman ang sumampalataya sa Kanya ay may buhay na walang hanggan.